Patay ang isang lalaki matapos itong mabaril sa mukha sa Barangay Aluyon, Burdeos, Quezon nitong Linggo, Hunyo 18.
Kinilala ang biktima na si Jerry Sabando, 38-anyos at residente ng Brgy. Calasumanga, Panukulan, Quezon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nagtungo umano si Sabando sa tahanan ng suspek na si Kevin Aguila, 31-anyos, kung saan ay sinubukan nitong halikan at kunin ang kanyang anak subalit tumanggi ang dati niyang live-in partner.
Sa gitna nito, bumunot ng kutsilyo si Sabando at tangkang sasaksakin ang suspek subalit binunot nito ang kanyang baril saka pinaputukan ang biktima.
Samantala, agad na isinugod sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.
Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Burdeos Municipal Police Station ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Homicide.