Lalaki, sugatan sa pananaksak sa Sariaya, Quezon

Nasugatan ang isang lalaki matapos umano itong saksakin sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon nitong Linggo, Hunyo 18.

Ayon sa report, bandang alas 9:25 ng gabi, nag-iinom noon ang biktimang si Ronel Estangco nang biglang dumating ang suspek na si Junmar Villavelis saka sinaksak ang biktima.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Dahil dito, nagtamo ng saksak sa kaliwang braso ang biktima kung kaya agad rin itong isinugod sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.