Senegal—Hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo?
Sa bansang Senegal, inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki na nagngangalang Khadim Mboup matapos itong magbalatkayo at magpanggap sa katauhan ng kanyang girlfriend upang matulungan itong makapasa sa kanyang baccalaureate exam.
Ayon sa ulat ng local media sa lugar, nag disguise si Khadim bilang si Gangue Dioum – ang kanyang 19-anyos na kasintahan.
Dahil hirap umano nitong maipasa ang English subject, napag desisyunan ni Khadim na siya ang kumuha ng exam sa halip na ang kanyang nobya.
Nagsuot ito ng dress, wig, scarf at naglagay din ng kolorete sa mukha upang hindi paghinalaan ng mga proctors. Nasa ikatlong araw na ng pagsusulit si Khadim nang mabuko at madiskubre ng kanyang proctor na tila may kakaiba dito at hindi ito ang kanyang estudyanteng si Gangue.
Matapos na mabisto, inaesto si Khadim pati na rin ang kanyang nobya na si Gangue at pareho silang kinasuhan ng ‘fraud’.
Bukod sakanilang kasong kinakaharap, hindi na rin ang mga ito pinahihintulutan na kumuha ng national education exam at hindi rin tatanggap ng kanilang diploma.### JUMEL DELA ROSA