Lalaking naghahanap ng matapang, nasampolan sa Tagkawayan, Quezon

Sugatan ang isang lalaking lasing matapos itong makailang beses na saksakin sa Barangay Rizal, Tagkawayan, Quezon nitong Sabado, Hunyo 1.

Base sa report, nasa harap noon ng bahay ng suspek ang lasing na biktima nang sumigaw ito ng “Lumabas ang matapang.”

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Doon na lumabas sa kanyang bahay ang suspek dala ang kutsilyo at makailang beses na pinagsasaksak ang biktima saka tumakas.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima habang ang suspek ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.