4 patay, 7 sugatan sa aksidente sa Tiaong, Quezon

Patay ang apat na katao habang pito naman ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang van sa isang bus sa Barangay Talisay, Tiaong, Quezon nitong madaling araw ng Linggo, Hunyo 2.

Ayon sa report, bigla umanong nag-overtake ang van sa isang SUV at doon na nakasalpukan ang nasabing bus.

Samantala, nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng nasabing van kung saan apat ang binawian ng buhay.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *