Tinutukan umano ng mga Pilipino ang Chinese Coast Guard sa pinagtatalunang karagatan ng South China Sea noong nakaraang buwan.
Ayon sa Chinese State media na CCTV, dalawang tauhan na nakasakay sa BRP Sierra Madre ang may mga dalang baril, na nakaturo sa direksyon ng mga Tsino.
Batay sa 29-segundong video, makikita ang mga nakamaskarang lalaki na may mga hawak na baril habang paparating sa direksyon nila ang kumukuha ng video.
Giit ng China, nangyari ang insidente sa panahon ng misyon ng Pilipinas sa pagbibigay ng suplay sa BRP Sierra Madre.
Screenshot Photo from CCTV
