Lalaking may dalang baril sa loob ng isang bar sa Paracale, Camarines Norte arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaking may dalang baril sa ikinasang oplan bakal operation ng mga tauhan ng Paracale MPS sa pamumuno ni PMaj Ace Flores maghahatinggabi noong Biyernes, Hulyo 22, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas “ Dan” 22 anyos, residente ng Purok Sapphire, Brgy Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa ulat ng Paracale MPS nagsagawa ng oplan bakal operation ang mga tauhan ng nasabing himpilan sa isang bar sa bayan ng Paracale na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek matapos itong mahulihan ng isang  kalibre 38 rebolber na kargado ng tatlong bala.

Ang nasabing suspek at mga narekober na ebidensya ay nasa kostudiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon kay Major Flores, nais ipaalala ng kapulisan na  hindi pahihintulutan ang pagdadala ng mga hindi lisensyadong baril kung saan pwede itong gamitin ng masasamang loob sa paglikha ng kaguluhan.

Mahaharap ang naarestong personahe sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.