Investment approval ng bansa ngayong 2023, pinakamataas sa nakalipas na 5

Umabot sa 1.16 trillion ang naaprobahang investment sa bansa sa taong 2023.

Ayon kay Trade Secretary at Board of Investment Chairman Alfredo Pascual na ito ang pinaka mataas na investment approval sa nakalipas na 5 taon.

Sinabi pa ng opisyal na patunay lang ito ng matibay na tiwala ng mga investors sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, at sa pagiging epektibo ng isinusulong nilang “Make it Happen in the Philippines” campaign.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Naniniwala si Pascual na magbubukas din ito ng maraming oportunidad upang mas lumago ang ekonomiya ng bansa sa taong 2024.

Batay sa datos, pumalo ng 398.76 billion ang domestic investment approval, habang tumaas naman ng 452% ang foreign investment approval na nasa 763.22 billion ngayong taon mula sa 138.18 billion noong 2022.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Samantala ang 1.16 trillion investment approval ngayong 2023, ay mula sa 303 projects na inaasahang makakapag generate ng mahigit 47 thousand local employment sa sektor ng renewable energy and power, information and communication, real state, manufacturing at infrastracture.