Lalaking gumagamit ng droga sa viral video na kumakalat sa social media, hindi si Pangulong Marcos -NBI

Ipinakita ng forensic analysis na ang lalaking gumagamit ng droga sa viral video na kumakalat sa social media ay hindi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinumpirma ito ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police sa isang pulong balitaan, kung saan kinumpara ang mga larawan ng kanang tainga ni Marcos at ng lalaki sa viral video.

Read More:  Romualdez says Bonoan never linked him to alleged flood control scandal

Ayon kay Dr. Reuel Cruz ng NBI Medico-Legal division, ang mga tainga sa mga larawan ay hindi iisa at pareho.

Sinabi naman ni NBI Cybercrime Division Chief Atty Jeremy Lotoc na ang mga larawan ay sinuri gamit ang video spectral comparator (VSC), isang proseso ng imaging para sa forensic examination at authentication.

Read More:  Fuel prices may rise next week

Samantala, sinangayunan ng ni PNP-Anti-Cybercrime Group director Brigadier General Ronnie Cariaga ang imbestigasyon ng NBI, at sinabing may malaking pagkakaiba sa mga katangian ng lalaki sa video, tulad ng hugis ng mga mata, ilong, at sideburns.