Probinsya ng Batangas, isinailalim sa State of Emergency

Isinailalim ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ang lalawigan sa State of Emergency dahil sa epekto ng Bagyong Carina at ng enhanced southwest monsoon o Habagat.

Ginawa ang desisyon matapos ang assessment at rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kay Vice Governor Mark Leviste, at sa mga Sangguniang Panlalawigan Members.

Read More:  Public urged to maintain strict cleanliness amid Hantavirus monitoring

Una nang idineklara ni Mandanas ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan bukas, HULYO 24, 2024, dahil sa sama ng panahon.