LEGAZPI CITY – Nananawagan ngayon ang Ina ng biktima na si Francia Boneo kay Pangulo Rodrigo Duterte at uupong Pangulo ng bansa si Ferdinand Bongbong Marcos Jr na ibalik na ang death penalty sa bansa.
Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Boneo, pabor sya na ibalik ang Death penalty sa bansa upang mabawasan ang nangyayaring krimen sa bansa tulad na lamang Rape at iba pa.
Ayon pa kay Boneo, kung buhay ang nawala sa kanyang anak, buhay rin dapat ang kapalit nito.
Aniya, karumaldumal ang sinapit ng kanilang anak kubg kayat nararapat lamang na buhayin muli ng death penalty.
Binigyan diin nito na sanay huwag nang patagilin pa ang pagsasabatas ng death penalty upang matigil na ang nangyayaring krimen sa bansa.