Lalaki, sugatan sa pamamaril ng riding in tandem sa Sariaya, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon nitong Lunes.

Batay sa report, nagmamaneho noon ng motorsiklo ang 48-anyos na biktima at papauwi na sa kanyang bahay nang bigla itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek na sakay rin noon sa motor.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kung kaya isinugod ito sa hospital.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga suspek.