Lalaki sa Roxas, arestado sa buy bust ops

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang operasyon kontra iligal na droga ng mga awtoridad sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang dinakip na si alyas Simon, residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dinakip ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng PNP Roxas at PDEA Region 2 at nakuha sa kaniyang pag iingat ang Isang pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu;(buy-bust item) isang genuine money Php 1,000 Peso Bill(buy-bust money); Cash money na Php60.00 (personal money); isang cellphone, isang kulay blue na lighter at isang piraso ng green pouch.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dinala na ang suspek sa Roxas Police Station at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kaniya.