Nagpahayag ng suporta ang Department of Energy (DOE) para sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement, kung saan nakikitang magpapalakas ito sa sektor ng enerhiya sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla, na sumasalamin ang RCEP sa offensive interest ng Pilipinas para mapalaya ang trade at makabuo ng competitive investment environment sa rehiyon para sa energy sector.
Ayon kay Lotilla, magbibigay din umano ang RCEP ng mga opurtunidad para sa expanded market access at makabuo ng malinaw, stable at predictable rules kaugnay sa trade sa energy goods at services, kabilang na ang investments sa mga participating countries.

Dagdag ng energy chief, na inaasahan ng departamento na lalo pang mapaganda ang business climate sa energy sector ng bansa, sa harap ng pagsususulong para sa layunin na ma-explore, ma-develop at magamit ang indigenous energy resources ng Pilipinas. //MHEL PACIA-TRINIDAD