DepEd hindi mai- commit ang mga eskwelahan na gawing vaccination site sa Measles Rubella Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Mayo

CAMARINES NORTE- Ipinagbabawal na umano na gawing vaccination site ang mga eskwelahan sa bisa ng isang DepEd Order.

Ito ang dahilan kung bakit hindi raw maipangako ng DepEd na gamiting vaccination site ang mga eskwelahan sa gagawing Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA)  na ilulunsad sa Mayo.

Ayon kay Dr. Lerio Palencia, Medical Officer ng Camarines Norte Division posible naman itong payagan  basta mayroong request at gagawin nang weekend.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aniya matagal na silang katuwang ng Department of Health lalo na noong kasagsagan ng COVID- 19 vaccination kung saan ginawa ang pagbabakuna  sa mga eskwelahan.

Bukod sa venue, hindi  rin daw mai- commit ng DepEd ang school health personnel dahil ang mga babakunahan ay hindi school children.

Sa MR OPV SIA kasi ang babakunahan ay 9- 59 months kontra tigdas at rubella habang 0- 59 months naman ang kontra polio.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang pwede umanong maipanganagko ng DepEd ay tumulong sa DOH sa advocacy campaign at information dissemination.

Mayroon naman aniyang lock session kada Biyernes ang mga eskwelahan at halos lingguhang meeting ng General PTA para dito ipalagaganap ang mga kinakailangang impormasyon patungkol sa 2023 MR OPV SIA.