TIBPUAN, LEBAK, – Umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril makaraang naganap ang isang pamamaril bandang 10:40 ng gabi kagabi, Hunyo 11, 2024 sa bahagi ng Barangay Tibpuan, Lebak Sultan Kudarat.
Positibong kinilala ang biktima na si Daryl Besana Pedrano, may asawa at may anak na nakatira sa nabanggit na barangay.
Ito ang na ikalawang shooting incident sa bayan ng Lebak na wala pang isang Linggo matapos ang isang pamamaril sa Barangay Kinudalan di kalayuan sa Barangay Tibpuan.
Ayon sa impormasyon na binigay PLT Col William Facsoy Jr., Chief of Police ng MPS-Lebak, ayon sa kanya ang biktima ay may tama sa dibdib ng 45 calibre na baril. Kasalukuyang nasa bahay pagamutan at nagpapagaling na.
Samantala, gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa nasabing shooting incident.
Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak kay Kapitan Hernan Delasan Sr., sa ngayon ay nakikipagtulungan sa mga awtoridad ang opisina niya sa pamamagitan ng pakalap ng mga impormasyon.
Dagdag pa niya siya nanawagan sa lahat ng residente na makipag-tulungan para mas makamit ang mapayapang komunidad.