Lalaking ayaw sa magaganda, pinagsusuntok ang mga babaeng nakasalubong sa Cebu City.

Hawak na ng kapulisan ang lalaking nanuntok ng tatlong babae sa Cebu City dahil ayaw umano sa magaganda.

Nangyari ang krimen nitong Linggo ng gabi, Hunyo 09 sa magkakaibang lugar.

Nagtamo ng sugat sa mata at ilong ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital.

Kaagad na rumesponde ang kapulisan at nadakip ang suspek sa harap ng isang mall.

Ayon sa kanya, ayaw umano nito sa mga magagandang babae dahil ito umano ay fake.

Sa ngayon, nahaharap sa multiple counts ng kasong serious physical injuries ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *