Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na mga suspek sa Barangay Poblacion Uno, Real, Quezon nitong Martes, Enero 23.
Ayon sa police report, nakaupo noon sa isang bato ang biktimang si alyas “Abril”, residente ng Infanta, Quezon, nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.


Isinugod sa hospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan subalit idineklara rin itong dead on arrival.
Kaugnay nito, narekober naman sa crime scene ang pitong (7) fired cartridge cases ng Caliber .45.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.