Lalaki – patay nang ma-trap sa sunog sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos ma-trap sa nasusunog na apartment unit sa Barangay 9, Lucena City.

Ayon kay PCpl Cabangon ng Lucena City Police,kasama sa nasunog ay ang dalawang alagang hayop ng biktima.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay FSupt Elias Baguio III, City Fire Marshall ng Lucena, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng tawag alas-6:15 ng umaga at bandang alas-6:22 nakaresponde ang BFP.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Idineklara na fire under control ang nasabing sunog alas-6:38 ng umaga habang alas-6:48 ng umaga naideklara itong fire-out.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon pa kay FSupt Baguio, sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, tinatayang nasa P75,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Samantala, posible umanong nagsimula ang sunog malapit sa entrance ng bahay habang iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy. (with reports from BIEN MANALO – 92.7 BNFM LUCENA)