Magandang balita dahil mabibili na sa mga pamilihan sa Metro Manila ang P45 na kada kilo ng bigas.
Sa market visit na ikinasa ng Department of Agriculture kahapon, September 11, kasama sina House Speaker Martin Romualdez, ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, DTI, at Philippine Rice Industry Stakeholders Movement, inikot nila ang Guadalupe Market, Farmers Market, at Nepa Q Mart kung saan may mabibili ng P45 na well milled rice.
Ayon kay Orly Manuntag ng PRISM, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng presyo ng bigas ay ang pagbaba ng taripa mula 35% sa 15%.
Inaasahan naman ng DA na bababa pa hanggang sa P42 ang kada kilo ng bigas.