Lalaki patay matapos tagain sa Puerto Princesa

Patay ang isang lalaki na si Aguilar Dalisay na residente ng Ranchero Phase II Brgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa.

Ito ay matapos siyang pagtatagain ng suspek na si Albert Archedera Tabarangao na residente rin sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 2, ganap na 9:30 ng umaga kahapon, ika-8 ng Nobyembre naiulat ang insidente sa pulisya.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Lumalabas sa imbestigasyon na nakitang dugoan at wala ng buhay si Dalisay sa sahig ng bahay na tadtad ng taga sa kanyang likod.

Isang nagngangalang Julius Magbukid Sinlao ang nakatuklas sa katawan ng biktima nang siya ay pumunta kahapon upang maningil ng utang at ayon rito bago matuklasan ang krimen ay nakita pa niya ang suspek at biktima na nag-iinuman bandang alas-otso ng gabi nitong araw ng linggo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, pinaghahanap pa ngayon ang suspek na si Albert.