Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa San Andres, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin habang papauwi ng kanyang bahay sa Barangay Talisay, San Andres, Quezon nitong Martes, Mayo 7.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad, lumalabas na naglalakad noon ang biktimang si alyas “Alvin”, 25-anyos, nang barilin ito ng suspek.

Isinugod sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Sa ngayon, may person of interest na ang mga awtoridad at nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.