Chinese restaurant – nabatikos dahil sa umano’y ‘racist remarks’

Ibinahagi ng singer at musical director na si Michael Melvin Odoemene ang kaniyang karanasan sa isang Chinese restaurant kung saan ay nakatanggap umano ito ng racist remarks.

Sa isang dinner, natanggap umano ni Michael ang resibo na mayroong note na – “SA NAKA BLACK NA NAKAUPO SA 14 KULOT ANG BUHOK KAMUKHA NI BLACK JACK’.

Ito ang note na inilalagay sa resibo para ilarawan ang customer na makatatanggap ng order.

Kuwento ni Michael – kahit na siya’y may dugong Nigerian-Filipino, ‘di na raw niya nakikitang kailangan pa ang ganitong uri ng note.

‘Gets ko, nagju-judge naman talaga tayo, consciously or unconsciously. If we keep it in our heads and be mindful not to act upon it, then walang na offend. Di kailangan isulat sa resibo and worse i-hand over sa customer mo pa mismo.’ saad ni Michael sa kaniyang Facebook post.

Tiniyak naman daw ng assistant manager na pananagutin ang waitress, at nag-apologize na rin sila.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *