Pinag-aaralan pa umano ng Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang malalaking ektaryang lupa na inuupahan at binibili umano ng mga foreigners.
Ito ay matapos ding iulat ng PAOCC na may ilang mga dayuhan na bumibili at umuupa ng lupa sa bansa.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, sinabi nitong hindi nila batid kung para sa pagtatayo ba ng POGO ang naturang lupa, pero gusto na lang din nilang makasigurado kaya isinagawa nila ang imbestigasyon.
Aniya, hindi naman din kasi talaga maaaring magmay-ari ng lupa ang mga dayuhan sa Pilipinas.
Ngayon, minamatiyagan na raw ng PAOCC ang sinasabing pagbili at pagrenta ng mga lupa.
Bagamat speculative pa raw at this point kung para saan ang binibiling mga lupa, nagkakaroon aniya sila ng mahigpit na pagbabantay para hindi na maulit pa ang isyu sa lupa ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, kung saan itinayo ang POGO hub sa kanyang bayan.