Lalaki na nagpanggap na pulis, arestado ng Cabangan MPS

CABANGAN-Arestado ang isang lalaking nagpanggap na pulis nang dumaan ito sa checkpoint sa bayan ng Subic.

Ayon kay Provincial Director Police Col. Romano Cardiño, alas siyete kwarenta ng umaga kahapon habang nagmamando sa checkpoint ang tropa ng 2nd PMFC, pinara ng mga ito ang isang toyota innova para sana sa beripikasyon.

Nagpakilala umanong Police Lieutenant Col. Del Cruz ang suspek mula Pnp Pulilan pero nang hingian ng dokumento at ID ng pagkakakilanlan bilang pulis ay wala itong maipakita.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dahil dito pinaharurot ng suspek na si Medel Dela Cruz, 43yrs old, driver/security at residente ng Olongapo City ang sasakyan hanggang makarating at masakote ito ng Cabangan Pnp sa national highway ng Bgy. Dolores.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nakumpiska kay Dela Cruz ang para ordinance caliber 45, may magazine at loaded ng anim na bala, isang posas at isang olive green t-shirt na may markang ‘police’.

Nakadetine na ang suspek na mahaharap sa kasong Usurpation Of Authority, Unauthorized Use Of Police Uniform at Illegal Possession Of Firearms.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: Cabangan MPS

May be an image of 1 person and text that says 'CuraMed 1............... CuraMed GAWING KASANGGA ANG CURAMED HERBAL CAPSULE!'