Lalaki na nag-amok sa bayan ng Pilar, wanted pala sa ibang lugar

SORSOGON CITY – Huli sa ikinasang hot pursuit operation ng Pilar Municipal Police Station ang isang lalaki na inireklamong nag-amok hawak ang itak sa sa Brgy. Del Roasario sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang nasasangkot na si Eliseo Belardo Matos, 43-anyos, laborer at naninirahan sa nasabing barangay.

Una rito, isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa pulisya hinggil sa isang lalaking may dalang itak at nag-aamok.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Hindi naman nadatnan ng mga rumespondeng pulis sa nasabing lugar ang suspek. Sa pangangalap ng impormasyon, nabatid na ang suspek ay dayo umano at baguhan sa nasabing barangay.

Sa pamamagitan ng pag check sa police records ay nabatid na ang suspek pala ay may warrant of arrest sa kasong homicide na inisyu ng RTC Br 62, Naga City noong taong 2013 pa.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Agad na nagsagawa ng manhunt operation ang Pilar MPS sa pangunguna ng hepe nito na si PMaj Jeronie Fartingca at natunton ang akusado sa isang liblib na Sitio ng nasabing barangay.

Nasa kostudiya pa ito ng Pilar MPS at anumang araw ngayong linggo ay maibabalik na ito sa kanyang court of origin.