Charly Suarez, nadepensahan ang WBA Asia super featherweight crown

Nadepensahan ni Rio Olympian Charly Suarez ang kanyang WBA Asia superfeatherweight crown, matapos manalo sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Mark John Yap.

Si Suarez ay nakakuha ng score na 120-108, 120-108, at 118-110 laban kay Yap.

Bagama’t ipinamalas ni Yap ang kanyang mga beteranong galawan sa unang bahagi ng laban, ay nakuha naman ni Suarez ang kontrol sa kalagitnaan ng sixth round, nang masugatan nito ang ilalim ng kanang mata ni Yap mula sa kanyang left hook at ng quick right straight.

Patuloy naman na nakatayo si Yap sa second half pero naging sapat ang left-right combinations ni Suarez at ang kanyang counter attacks para matalo ang kalaban.

Para sa 33-anyos na si Suarez, ang kanyang laban kay Yap ay isang learning experience.