Lalaki , ginilitan ng leeg- patay

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos umanong gilitan ng leeg ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 6 Sitio Tagumpay Brgy. Inagawan- Sub, Puerto Princesa City.

Ayon sa panayam kay Ex Kgd. Gernando Dancil ay halos maputol ang leeg ng biktima na kinilalang si Richard Dela Cruz nang ito ay makita bandang alas-sais ng umaga kahapon, ika-17 ng Nobyembre.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Kinumpirma ni Dancil na ex-convict o dating bilanggo si Richard at wala itong pamilya na kasama sa kanyang tinitirhan sa lugar.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Samantala, wala pa ngayong lead ang pulisya sa nangyaring krimen pero patuloy itong iniimbestigahan.