Final LPTRP ng Sorsogon City, ipinasa na sa LTFRB

SORSOGON CITY- Ipinagmalaki ng Committee on Transportation na nakapasa na sila ng Final Local Public Transport Route Plan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa Chairman ng Committee on Transportation na si City Councilor Danilo Deladia naipasa na nila kasama ang SK3 ang pinal na LPTRP ng lungsod.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, aprubado na sana ang dati nilang ipinasa ngunit may isang ruta na hindi pinayagang putulin at ito ay ang Sawanga Bacon- Sorsogon City.

Sa rekomendasyon ng Regional Director ng LTFRB na si Dir. Joel Defeo, huwag puputulin ang nasabing ruta dahil mahihirapan ang mga mananakay kung palipat-lipat sila ng sasakyan. Sa halip idinagdag na lamang ang rutang Poblacion Bacon-Sorsogon City at Poblacion Bacon- Sawanga.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang approval ng final LPTRP ng Lungsod upang magtanggap na ng aplikasyon sa mga rotang nakapaloob dito.