Lalaki, dead on the spot matapos makuryente sa San Francisco, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong makuryente habang nagtatrabaho sa Barangay Pugon, San Francisco, Quezon nitong Linggo, Abril 23.

Kinilala ang biktima na si Herbert Sanchez, 43-anyos at residente ng naturang lugar.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ayon sa report, nagtatrabaho umano noon ang biktima sa tahanan ng isang nagngangalang “Rodel” nang aksidente umanong natamaan ng steel bar na hawan nito ang isang poste ng kuryente.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Dahil dito, nagtamo ng mga electrical buen ang biktima sa kanyang katawan na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Samantala, kasalukuyan ng nakahimlay ngayon ang mga labi ng biktima.