LEGAZPI CITY – Hawak na ng mga otoridad ang 37 anyos na lalaki sa P-5, Brgy. Arimbay lunsod ng Legazpi dahil sa kasong rape at dalawang bilang ng kasong sexual abuse.
Kinilala ang akusado na si alyas “Jay”, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, hapon nang mahuli ng pulisya ang suspek sa nabanggit na lugar matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado pa noong Enero 9, 2020 sa kasong rape, kung saan walang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan, at ang dalawang bilang ng kasong paglabag sa RA 7610 Sec. 5-B, kung saan aabot sa P200,000 ang rekomendadong piyansa ng korte.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.