PBBM, itutulak ang usapin sa kapayapaan sa ASEAN Summit sa Cambodia

Handa umano si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na maging leader sa peacemaking negotiations bilang bahagi ng pagsusulong ng bansa sa kapayapaan at kaayusan lalo na sa Southeast Asian regions.

Sinabi ni Marcos na sa kanyang pakikipag-usap sa iba’t-ibang lider kasama sa mga natatalakay nila ay ang hidwaan sa pagitan ng China at America dahil sa Taiwan.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Hindi din umano dapat kalimutan na may North Korea na isa din banta sa katahimikan sa rehiyon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Dahil dito kung kaya’t naniniwala si Marcos na dapat nang palakasin ang ASEAN organization dahil marami pa umano ito magagawa kaysa sa nagawa nito sa ngayon.

Balak naman ng Pangulo na maglatag ng ‘proposed action’ sa darating na ASEAN summit sa Nobyembre kaugnay sa mga nararanasang hidwaan sa rehiyon.
#