Lalaki, arestado matapos sunugin ng buhay ang dating kasintahan sa  Peru

Isang lalaki ang arestado sa Colombia matapos niyang sunugin ng buhay ang dating kasintahan sa isang town square sa Peru.

Read More:  Nepali woman found alive 10 days after family began mourning

Ang lalaki na isang Venezuelan ay kinilalang si Sergio Tarache Parra, 19.

Inakusahan siyang nagbuhos ng gasolina sa 18-taong-gulang na si Katherine Gomez saka sinunog noong March 18.

Read More:  7 killed, 12 rescued after new Delhi hostel collapse

Nakipaghiwalay raw ang babae sa kanya ilang araw bago naganap ang insidente.

Ayon sa Peru’s interior ministry, dadalhin si Tarache mula sa Colombia patungo sa Peru para litisin.//CA