Lalaki – arestado matapos gawing kasintahan ang 16yo na anak

Hinuli ng National Bureau of Investigation ang isang lalaki matapos umanong halayin at gawing karelasyon ang kanyang 16 years old anak.

Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng report mula sa Nanay ng bata na ginawa umanong karelasyon ng lalaki ang kanyang anak.

Kwento ng ina ng biktima, sanggol pa lang ang bata ng maghiwalay silang mag-asawa.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Wala pang isang taon ng makilala muli ng biktima ang kanyang Tatay kaya nagulat ang Nanay ng biktima sa sumbong ng kalive-in partner ng dating asawa na kakaiba na ang relasyon ng mag-ama.

May mga nakita umanong voice messages ang live-in partner ng suspek kung saan makikita kung paaano inaakit nito ang bata.

Aminado naman ang suspek na nahulog ang loob niya sa kanyang at anak at natukso na rin siya rito.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sinabi ng bata, na hindi niya maintindigan at mapaliwanag ang nararamdaman niya sa kanyang tatay.

Dahil menor-de-edad ang biktima kinasuhan ang lalake ng statutory rape.

Payo ng NBI sa mga kabataan na nalilito sa sitwasyon sa kanilang pamilya na tumulog sa mga eksperto at mga guidance counselor sa kanilang mga paaralan.