Sinimulan na ang National Food Authority ang pagbili ng palay sa mga local farmers sa mas mataas na buying price.
Ayon sa NFA, ang bagong presyo ng dry na palay na binibinili ng ahensya ay P23-P30 kada kilo habang sa wet palay naman ay P17-P23 kada kilo.
Ito ay sa layuning mapataas ang buffer stock ng ahensiya at mas maging competitive sa merkado.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, makatutulong ang mas mataas na buying price sa ating mga magsasaka.
Una ng inamin ng ahensya na nahaharap naging hamon sa kanila ang pagbili ng palay sa kasagsagan ng anihan dahil mas mataas ang iniaalok ng traders sa pagbili ng palay kumpara sa NFA.