Lalake natagpuang patay at nakabigti sa balkonahe ng kanilang bahay sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Natagpuang nakabigti at wala nang buhay ang katawan ng isang lalake sa balkonahe ng kanilang bahay sa Barangay San Felipe sa bayan ng Basud, Camarines Norte Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Israel Pabico 58 anyos, balo at residente sa nabanggit na lugar.

Nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng biktima ng kaniyang sampung taong gulang na apo.

Sinasabing makailang beses na ring naiulat na nagtangkang magpakamatay ang biktima.

Sinadyang hindi banggitin ang mas detalyadong pamamaraan ng pagpapakamatay ng biktima alinsunod sa panuntunan ng World Health Organization (WHO) hinggil sa suicide reporting.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa hepe ng Basud MPS na si PMaj Elezaldy Calingacion sinabi nito na depression ang nagtulak sa biktima upang kitilin ang kaniyang buhay.

Posible umanong dinamdam nito ang pagkamatay ng asawa at sa kawalan din ng maayos na trabaho na maaaring maiugnay sa krisis na dulot ng pandemya.

Bago ang pagpapakamatay ay madalas na umanong tahimik lang ito na parang mayroong malalim na iniisip.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

“Enot balo ito, tapos mayong maayos na trabaho, so dakol siguro siyang iniisip so dae na nakontrol ang saiyang emosyon kaya sa dakol na problema, depress na, so mayo na sigurong naisip na ibang solusyon, para matapos na ang saiyang problema so ito na ang ginibo niya,” ani Calingacion.

Ayon pa sa opisyal, hindi dapat isinawawalang bahala ang depresyon upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.