Lalabag sa EO 17 ng Pampanga, Kakasuhan agad

Nagbabala si Pampanga governor Dennis Pineda sa lahat ng mga mahuhuling lalabag sa umiiral na Executive order number 17 na agad silang aarestuhin at kakasuhan.

Kaya malinaw ang direktiba ni Governor Pineda sa PNP na wala nang pakiusap na mangyayari at hulihin agad ang mga makikitang lalabag.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kabilang sa mga ipatutupad na paghihigpit ang curfew, liquor ban, pagsunod sa minimum health protocol tulad ng tamang pag suot ng facemask at faceshield, gayundin ang physical distancing.

Bawal rin muna ang paglabas ng mga 18yo pababa at 65yo pataas, maliban na lang kung may emergency.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Maaalalang magsisimula ngayong araw ang pag iral ng executive order number 17 para mapigilan ang pag kalat ng COVID-19 at pagpasok ng mas nakahahawang Delta variant.