Lakers, wagi sa Miami Heat kahit hindi nakapaglaro si Lebron James

Umiskor si Dennis Schroder ng season-high na 32 points at nagdagdag si Russell Westbrook ng 21 points, siyam na assist at walong rebounds nang makuha ng short-handed Los Angeles Lakers ang 112-109 na tagumpay laban sa  Miami Heat.

Umiskor naman si Thomas Bryant ng 21 points at siyam na rebounds para sa Lakers.

Nanalo ang Lakers sa ikaapat na pagkakataon sa kanilang nakalipas na limang laro kahit wala si Lebron James at Lonnie Walker IV.

Samantala , umiskor naman  si Bam Adebayo ng 30 points at humila ng 13 rebounds at nagdagdag si Jimmy Butler ng 27 points para sa Heat, na nakapasok na may apat na panalo sa kanilang nakaraang limang laro. Naging 8-3 ang Miami mula noong Disyembre 12, kabilang ang 112-98 na panalo laban sa Lakers noong Disyembre 28.//CA