Lakbay alalay ng DPWH handa na sa pagdagsa ng mga biyahero sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Handa na ang Department of Public Works and Highways 1st Engineering District sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Yulitide Season.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Katrina Oropesa sinabi nitong  anumang oras handa nang ilatag ang Lakbay Alalay. Pupuwesto ito sa Sipocot kasama ng mga gamit at equipment operators na maaaring kailanganin sa pagresponde.  Kahit na nga sa Sipocot sila pupwesto,  naka-antabay naman kung kailangan sa iba pang bayan sa unang distrito ng lalawigan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Inabisuhan na ang mga kontraktor na dapat may magmamanage ng trapiko. Naglagay na rin ng mga signages sa lugar. Inatasan na rin ang mga project engineers na maayos ang lagay ng mga patrabaho bago ang bakasyon.