Sinuspende ng National Telecommunication Commission ang operasyon ng Swara Sug Media Corporation o mas kilala bilang Soshine Media Network International dahil sa paglabag umano ng istasyon sa terms and conditions ng prangkisa nito.
Sa house Resolution No. 189 na pinirmahan ng mga miyembro ng Kamara noong December 11, sinabi na bigo ang SMNI na tuparin ang oblisgasyon nito sa publiko na magbigay ng tamang impormasyon dahil sa mga insidente ng red tagging, pagbabanta, at pagsasabi na may travel fund si Speaker Martin Romualdez na kalaunan ay inaming mali.
Ayon din sa resolusyon na lipat ang share of stock ng kumpanya na walang pahintulot ng Kongreso.
Binigyan ng 15 araw ng NTC ang SMNI para ipaliwanag kung bakit hinid ito dapat hindi managot sa umanoy paglabag nito sa batas.
