Lakas-CMD, tiniyak ang suporta admin, speaker sa kabila ng napabalitang ‘demolition’ sa partido,

Makasisiguro pa rin umano ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos at si House Speaker Martin Romualdez ng full-support mula sa Lakas-Christian-Muslim Democrats party o Lakas-CMD.

Ito ay sa gitna ng napabalitang umano’y demolition sa liderato ni Romualdez, na nasundan pa ng pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa partido.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon sa co-chair ng party na si Senador Bong Revilla – hindi raw matitinag ng mga pagsubok ang kanilang pagkakaisa at ang passion nila sa pagsisilbi sa publiko.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Matatandaan na bago pa man ang pagre-resign ni Duterte sa Lakas-CMD, tinanggal naman ang Lakas-CMD chairperson emeritus na si dating pangulo’t ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker sa Kamara. // LGD edited MHEL PACIA