VP ‘di magpapa-apekto sa ‘political toxicity’ kasabay ng pagkalas sa Lakas-CMD

Opisyal nang nagbitiw si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang miyembro ng partidong Lakas-CMD.

Sa inilabas na pahayag ng pangalawang pangulo, nagpasalamat ito sa ipinakitang suporta sa kanya ng mga party members ng naturang partido.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Wala na umanong mas mahalaga sa ngayon kundi ang makabuluhang pagsisilbi niya sa mga Pilipino at sa Pilipinas, sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos.

Binigyan diin ni VP Sara na nasa posisyon siya ngayon dahil sa tiwala ng taumbayan at hindi umano ito malalason ng ‘political toxicity’ at masalimuot na ‘political powerplay’.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Nanawagan naman ito sa lahat ng mga lider na pagtuonan ng pansin ang trabaho at mag-iwan ng legasiya ng isang malakas at matatag na lipunan. //LGD edited MHEL PACIA