TILA may kakambal na swerte ang isang construction worker na si Frank Pharris ng North Carolina dahil sa dalawang beses na pagkapanalo nito ng jackpot lottery noong 2021 at nitong buwan lang ng Marso.
Ayon sa ulat, si Frank ay unang nag-uwi ng $1milyon o katumbas ng P54.2 milyon noong Hulyo ng taong 2021 kung saan naging daan iyon upang mapakasalan niya ang dating nobya na asawa na niya ngayon.
Makalipas ang dalawang taon, si Frank ay kinausap ng kanyang kasamahan isang araw bago ang pangalawa nitong pagkapanalo tinanong siya nito kung ano pakiramdamn na manalo at makahawak ng ganoong kalaking pera at ayon sa kanya, ang tanging naging tugon niya lang ay dodoblehin niya ito, malakas kase ang pakiramdam niya na mananalo siyang muli.
Kaugnay nito si frank ay muli ngang sumubok at nagbakasakali, hindi niya inaasahan na magkakatotoo pala ang kayang pakiramdam dahil sa pangalawang pakakataon ang jackpot prize na tumataginting lang namang $2 milyon o katumbas ng P108.5 milyon ay kanyang nasungkit.
Sa pahayag ni Frank tila parang panaginip lang lahat, at hanggang ngayon nasa estado parin siya ng pagkabigla.
Sa kasalukyan ang mag-asawa ay pinagplaplanuhang gamitin ang iba sa mga ito upang magkaroon sila ng maayos at magandang bakasyon.###CD