Laborer na nasa lamay, patay sa pamamaril

Blangko pa sa motibo at pagkakakilanlan sa suspek ang Casiguran MPS sa nangyaring shooting incident sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Kung babalikan, patay ang isang laborer matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nasa lamay sa Brgy Sta Cruz, Casiguran, Sorsogon.

Nasa lamay ang biktimang si Fernando Hubilla Sarmiento, 48-anyos, bandang balas 7:55 ng gabi noong Huwebes, Disyembre 29 nang mangyari ang pamamaslang.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 2 misfired na bala, isang basyo ng bala, isang tingga lahat galing sa kalibre 45 na pistola.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Batay sa ulat ng Pulisya, nakikipag-inuman umano ang biktima sa burol nang dumating ang hindi kilalang suspek na armado ng baril at walang kaaabog-abog na pinaputukan ang biktima.

Ayon pa sa naturang himpilan ng Pulisya, wala umanong kinalaman sa insurhensiya ang nasabing shooting incident.

Nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.