Labis na pagbibilad sa araw posibleng maging sanhi ng skin cancer

CAMARINES NORTE- Pinag- iingat ng Provincial Health Office ang publiko sa labis na pagbibilad sa init ng araw ngayong panahon ng tag-init lalo na ang mga naliligo sa beach.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nitong makakatulong ang paglalagay ng sunblock sa balat na 17 SPF pataas para maprotektahan ang balat sa sobrang init.

Ayon kay Francisco kailangan ito dahil kapag walang masyadong melanin ang balat ay posible itong mauwi sa malalang problema at maging dahilan ng skin cancer.

Paalala rin nito sa publiko na bumili lang ng sunblock sa mga pharmacy at grocery store na regulated ng Food and Drugs Adminsitration (FDA) at iwasan ang pagbili sa kung saan-saan lang.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kung maalala ay una na ring nagbabala ang Department of Health na ang madalas na sun exposure lalo na ngayong summer kung saan mataas ang temperatura ay psoibleng maging dahilan ng skin cancer.

Karaniwan at hindi naman daw nakakaalarma ang sunburn o pamumula ng balat matapos mabilad sa araw pero ang sobrang exposure sa ultraviolet radiation ay nakakabahala.

Kapag buong araw na nabilad sa araw at nakitang namumula, pumuputok- putok na at nagtutubig ang balat ay kailangan nanag magpatingin sa doktor.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa datos ng Philippine Dermatological Society, nasa 2,700 na pinoy ang nagkaraoon ng skin cancer simula 2011 hanggang 2021.

Pwede pa rin namang i-enjoy ang tag init na naiiwasan ang pagkakaroon ng skin cancer.

Ayon sa mga pag- aaral pinakamabilis makukuha ang sunburn sa pagbibilad sa ilalim ng araw mula ala 9:00 ng umaga  hanggang alas 2:00ng hapon.

Posible rin ito anumang oras kahit pa maulap basta mayroon pang sinag ng araw.