Bantayog Film Festival Premiere Show, isasagawa ngayong araw kaugnay sa pagpapatuloy ng ika-19 na Bantayog festival

CAMARINES NORTE- Isasagawa ngayong araw 1:00 ng hapon, April 24 ang Bantayog Film Festival Premiere Show sa Central Piaza Mall Atrium

Ito ay ang ikalawang taon ng nasabing Film Festival kung saan ngayong taon ay nilahukan ng 200 filmmakers, 25 productions, at 20 Film entries.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ngunit matapos ang isinagawang screening, 10 Pelikula lang ang nabilang sa Finalists na kinabibilangan ng Tilamsik, Lublob, Habak Ng Mga Manide, Mahikabod, Kabodera, Ikit, Deadline, Parola, Sakat, ang pelikulang Ayokona.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang mga lumahok sa nasabing Film Festival ay mula sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.