Matapos ang dalawang buwang preperasyon, sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa 2023 FIBA World Cup ngayong gabi, sa laban nito sa Dominican Republic sa Philippine Arena ng alas-8 ng gabi.
Kino-consider na underdog ang Philippine team dahil number 40 ang ranking ng Pilipinas sa buong mundo habang number 23 naman ang DR.

Base sa mga nakaraang buildup, nagkaroon ng halo-halong resulta ang Gilas sa kanilang pitong tune-up games, kung saan nanalo sila sa apat na laro, habang tatlo naman ang pagkakatalo nito.
Samantala, isa lang naman ang napalanunan ng Dominican Republic sa kanilang apat na tune-up games matapos bulagain nila ang World Cup-favorite na Canada.
Ayon kay Head Coach Chot Reyes, mas binibigyan niya ng atensyon ang mga produktibong gawain na maaring makatulong sa koponan upang makamit ang panalo sa unang laro ng Pilipinas.