Barangay Workers at mga nasa informal sector target na mai-enroll lahat sa Kasangga program ng SSS

CAMARINES NORTE – Target ng Social Security System (SSS) na mai-enroll lahat ang mga Barangay Workers at mga nasa informal sector sa KaltaSSS Collect Program na tinatawag na ngayong Kasangga.

Ito ay upang magtamasa rin ang mga ito ng mga benepisyo tulad ng mga nasa formal sector.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo dalawang Memorandum of Agreement ang kanilang ini execute sa tuwing dinadala nila ang programa sa Barangay

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang una ay maisama sa Kasangga coverage ang mga barangay workers dahil hindi covered ang mga ito sa Government Service Insurance System (GSIS).

Ang pangalawa naman ay ang paglalagay ng E- Centers sa Barangay para hindi na kakailanganing pumunta ng mga namamarangay sa opisina ng SSS dahil online na rin naman ngayon ang mga transaction maliban sa death benefit claim.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mayroon umanong focal person dito ang Barangay para mag-assist sa kanilang constituents.

Dalawang Barangay kada buwan ang target ng SSS na makipag- MOA.

Pero dahil nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections aminado si Robredo na hindi ito ngayon mapagtutuunan ng pansin ng mga barangay.