Iginiit ni US Secretary of State Anthonyn Blinken na kinakailangan ang kooperasyon at transparency para sa pag-alam sa origins ng COVID-19 sa panawagan nito sa kaniyang Chinese counterpart na si Yan Jiechi.
Sinabi naman ng top diplomat ng China na si Yang kay Blinken na labis na ikinababahala ng Beijing na meron mga tao sa Estados Unidos ang nagpapakalat ng mga storya na puno ng kalokohan kung saan ay sinabi na nagkaroon ng leak ng coronavirus sa isang laboratoryo sa Wuhan.
Hinimok ni Yang ang US na respetuhin ang facts at science, at tumugil sa pamumulitika ng isyu.
Hiniling din ni Yang sa US na pagtuoanan na lamang ng pansin ang international cooperation laban sa pandemya.

Mababatid na sinabi sa ulat ng Wall Street Journal na may hypotehsis ang US government national laboratory kaugnay sa origins ng COVID-19 kung saan ay sinabi na nagkaroon ng viral leak mula sa isang Chinese lab sa Wuhan, na kinakailangang maimbestigahan.
Inihayag ito ni Yang kasunod ng pagbisita ng tatlong US Senators na sakay ang isang US military aircraft sa isla ng Taiwan na inaangkin ng China kung saan ay nakausap nila ang Taiwanese leader na si Tsai Ing-wen at inanunsyo ang donasyon na 750,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa nasabing isla.