Palaisipan sa mga netizens kung ano ba talaga ang nangayari sa pagkakaibigan nila Kyline Alcantara at sa kakambal ng real-life partner nito na si Cassy Legaspi, matapos mag unfollow-an ang isa’t isa sa kanilang social media.
Ayon sa mga netizens, na inulan ang iba’t ibang plataporma ng spekulasyon, baka nagkaroon ng tampuhan ang dalawa kaya’t hindi na nila fina-follow ang isa’t isa.
Nagkita na ang dalawa na magkasama sa mga familly dinner ng Legaspi’s kung saan parang wala namang hidwaan ang dalawa noon.
Maalalang nagsagawa rin ng double date ang kambal para sa kanilang mga partner na si Mavy Legaspi at Darren Espanto.
